Thursday, May 07, 2009

Independent Daw

Marami ang nagtataka kung bakit di pa ako nagkaka boyfriend. Ang lagi ko lang sagot ay dahil malas ako sa lovelife. Oo, may mga naging flings na ako at dates pero di ko pa talaga nakikita ung hinahanap ko. Ano nga ba ang hinahanap ko? Sabi nila choosy daw ako. Kesho ang taas ng standards ko at ang dami kong arte. Hindi kaya. Simple lang naman ang gusto ko. Ung may sense at matino kausap, mapagkakatiwalaan at presentable. Di ko hanap na maganda ang katawan o super gwapo. Basta steady lang. Syempre, recession ngayon kaya wag na maging choosy.

Pero sa dinami dami ng tanong dumaan sa buhay ko, wala talaga eh. Siguro nga di ko pa siya nakikilala. Masyado daw kasi akong independent. Un ang lagi nilang sinasabi kaya wala akong lovelife. Eh di ko naman kasalanan kung kumportable na akong mag-isa di ba? Nung bata kasi ako, lagi ako sinasabihan na dapat maging independent daw ako para di ako mahirapan pag nagsarili na ako sa buhay. Tama ang mga magulang ko. Mas nadalian akong mamuhay magisa simula nung nag kolehiyo ako.

Ngayon na nagtatrabaho na ako, masasabi kong hawak ko na talaga ang buhay ko. Kelangan ko na lang isipin kung ano talaga ang gusto ko.

Labels: , ,

Wednesday, May 06, 2009

Ang Tagal

Matagal na panahon na pala ng huling nagsulat ako dito. Well, siguro nga kasi matagal na rin akong di nagmahal o minahal. Masaya naman maging single eh. Hawak mo oras mo, di mo kelangan magpaalam kung kanino man at lahat ng pera mo, sayo lang. Haha!

Pero minsan, naiisip ko pa rin kung ano kaya ang pakiramdam kung meron kang minamahal at nagmamahal sayo? Totoo ba talagang mas masaya ang buhay? Na tipong kahit anong pagsubok ay kaya mong harapin basta nasa tabi mo siya. Yun ang sabi nila.

Ang bilis ng panahon. Sa August, 25 na ako. Ano kaya ang inihanda ng tadhana para sa akin?

Tuesday, October 31, 2006

Starbucks' Treat a friend day

10/31/06 - Naisip ko lang, mag tatapos na pala ang taon. November na bukas, then December, tapos bye bye 2006, hello 2007 na! Parang ang bilis ng mga pangyayari. Di ko man lang namalayan na lilipas na naman ang isang taon. Anu-ano nga ba ang mga nagawa ko ngayong 2006?

Maraming nangyari sa 2006. Nagtapos ako, nagkatrabaho, nag bakasyon sa Bora, nakapagsayaw ulet sa UAAP games, nagkaroon ng mas maraming kaibigan, naging bitter, naka get-over. Ay! Wait. Get-over?!? Ano yun?

Hahaha! Sabi nga ng friends ko, tanga daw ako. Duh, don't state the obvious naman di ba? Akala ko ba friends will understand? Ay basta. From now on, sabi ko nga, ayoko na sa boys. Kebs na muna. Papayaman muna ako at mag eenjoy. Darating din ako jan.

Pessimistic na ako. Ayoko muna isipin na may isang tao sa mundo na sadyang nabuhay para sa akin. Ung sinasabi nilang destiny daw ba. Isa lang sure ako, may Destiny's Child at ang galing nila, loser nga lang minsan si Michelle...hehe

Sobrang natuwa ako dahil na realize ko tanga talaga ako. (applause!) Wow! What a late realization ateh! Eh lahat tayo nagiging tanga pagnagmamahal di ba? O, ang mga ipokrita tigilan ako.

Sa ngayon, "I Don't Need a Man" ang kanta ko. Salamat sa PussyCat Dolls at may theme song ako. Tama na. Sawa na ako masaktan. Panahon naman siguro na pagalingin ko muna sugat ng puso ko di ba?

Basta, saka na ung makabagbag damdamin na entry. Wala ang emote juices ko eh.

Sunday, August 06, 2006

Jealousy is one ugly thing upclose.

Tanga ako. Aminado naman ako eh. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Pinilito kong kalimutan ka. Ang ibaon ka sa aking nakaraan at kahit kelan di na babalikan pa. Pero bakit ganito? Hanggang ngayon hinahanap-hanap ka pa rin mg puso ko. Hanggang ngayon, kahit papano, mahal pa rin kita.

Akala ko wala. Over na ako sayo. Pero bakit sa araw-araw na pagkikita natin lagi pa rin kitang pinagmamasdan? Bakit kahit di na tayo naguusap gaya ng dati ay sobrang hangad ko pa rin ang makausap ka kahit sandali. Gusto kong malamang kung anong bago sa buhay mo, sa acads mo, sa lovelife mo.

Tama nga sila, di nga matuturuan ang puso kung sino ang mahalin nito. Kahit sobrang sinaktan mu na ako dati, eto pa rin ako, go pa rin sa pagmamahal sayo. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang pagpapahalaga ko sayo gayung wala ka naman pakialam saken.

Nasugatan ka. Gusto kong tulungan ka, kaso nangibabaw ang pride ko. Sabi ng utak ko na wag na. Nung nangyari sa akin yan, never mo akong tinulungan. Di ako mapakali. Gusto kong malaman kung napano ka, kung ok ka lang. Sa huli, kahit labag man sa pride ko, tinanong pa rin kita kung ok ka lang.

Ilang taon na tong katangahan na toh. Di ko lubos maisip kung bakit ako nagkakaganito. Ano bang meron ka na wala sa iba? Anong ginawa mu sa akin at bakit hanggang ngayon, di ko pa kayang pakawalan ang mga masasayang alaala ko sayo?

Pagod na ako.

Wednesday, May 31, 2006

at work...

it's been months since my last entry. I guess i was just really busy these past few days. So many things happened...

Tuesday, February 07, 2006

1 message received

"zzz...zzz..." sabi ng vibra ng cellphone ko. nasa trabaho ako, nakikinig sa lecture tungkol sa computer. binuksan ko ang Inbox ko at nagulat nang makita ko panagalan mo ang nakalagay. Pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari, madalang na lang tayo mag text. business text lang, kumbaga ung mga may reli lang. magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Di mu kasi gawain ang maunang magtext, lalo na sa akin. Nang mabasa ko mensahe mu, alam ko na kung bakit ka nagtext. Alam ko problema mo. Di naman sa chismoso pero sadyang lumalapit lang talaga ang balita sa akin. Nagreply ako at nagsimula na tayong mag text. Damang-dama ko ang iyong kalungkutan. Ewan ko ba pero tagos talaga sa loob ko. Di ko alam kung nararamdaman ko yun dahil naaawa ako o sadyang malakas lang talaga pakiramdam ko pag dating sa mga bagay na may kaugnayan sayo.

Nagsimula ang lahat ng problema mu nung nagtext ung isa nating kaibigan. Maraming bagay ang sinabi niya sa iyo na di maganda. Oh well, as usual, nabasa ko ang mga ito. Ako lang ata ang taong nakakaalam ng buong storya at ng iba't-ibang panig. Dahil sa mga text niya, nagaway kayo ng 'nililigawan' mo, di ka nakapag-aral at walang masagot sa exam, at nagkagulo kayo ng kaibigan mo. Magkahalong lungkot at inis ung laman ng mga text mu. sabi mu sobrang wala nang direksyon buhay mo, sabog ang lahat at di ka makapagisip ng matino. hahay! Dumaan din ako jan. Malamang di mu alam yan kasi yun ung 'katangahan' days ko. gusto mung umuwi at iiwan ang lahat. buti na lang pinigilan kita.

Pagkatapos ng trabaho ko, sumaglit lang ako sa bahay tapos sinundo na kita. Ok lang kahit wala akong tulog, eh ikaw yan eh. Ewan ko nga ba at sobrang lakas mu sa akin. Nung makita kita, bakas sa mga mukha mu ang lungkot. Nagusap tayo at pinayuhan kita. Sana man lang ay na-absorb ng utak mo ang mga pinagsasabi ko. Gusto mong sapakin friend natin. Sabi ko, walang magandang maidudulot yan.

5:30PM. Nasa UP gym na tayo para sa training natin. Napansin ko na tinitingnan mu na siya ng masama. Nung nag water break tayo, Whapak! Sinapak mo siya ng walang pasabi sabay alis. Maga ang mukha niya. Well, di kita masisisi kung bakit mo ginawa sa kanya yun. Naguluhan ang mga tao sa nangyari. Buti na lang magkahiwalay training natin.

Ngayon, di ko alam kung ano na ang mangyayari. Sabi niya papasuspend ka raw niya. Sana magbago isip niya. Alam kong magiging mahirap sayo un, running for honors ka kasi. Alam ko medjo bangag ka ngayon dahil sa mga pangyayari. Sana ay maging Ok na ang lahat. Mahirap ang pinagdadaanan mu ngayon pero alam ko kaya mo yan. Kung kinaya ko nga dati bat di mu kaya di ba? Eh mas malakas ka sa akin eh.

Panibagong araw. Sana wala nang gulo mamaya. Sana maayos na to lahat.

Sana.

Wednesday, October 05, 2005

Ever After

Three years ago my journey began
Chasing down this cure, no plan in hand
Just your pulse, my racing guide in the dark
Just knowing with conviction from the start

The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of being godly
Yet I fell hard for your imperfections

Chorus
And now we’re slightly weathered, we’re slightly worn
Our hands grip together eye to eye through the storm yet
I still believe in ever after with you, yeah
Coz life is a pleasure with you by my side
And there ain’t no current in this river we can’t ride
I still believe in ever after with you

Nothing compares to the good times
Feels like we’re floating when the rest have to climb
You made me believe in love and not the perfect kind
A real messy beautiful twisted sunshine
Emotions volcanic eruptions
We both still care so we’re still alive
Tunnel vision, determination
I want you I want to make it right

Chorus

You are my twisted sunshine
You are my twisted sunshine

Chorus